Maghahain ang prosecution ng walong testigo sa bail hearing ni Senator Rodante Marcoleta at iba pang akusado na inaasahang magsisimula sa Setyembre 3.

Bibigyan ng Sandiganbayan Third Division ang prosecution ng siyam na araw para ilahad ang kanilang mga ebidensya.

Ayon kay Sandiganbayan Third Division chairperson at Associate Justice Karl Miranda, kailangang patunayan ng prosecution na malakas ang ebidensya laban sa mga akusado.

Kinasuhan sina Marcoleta, dating kongresista Michael Defensor, at mga negosyanteng sina Joseph Varias Espiritu at Aristotle Baluyut Viray ng plunder at paglabag sa Presidential Decree 46 kaugnay ng mga hindi idineklarang donasyong natanggap umano ni Marcoleta para sa kanyang 2025 senatorial bid.

Lahat ng akusado ay naghain ng mosyon para sa piyansa. Samantala, nananatili sa Quezon City Jail si Marcoleta at itinanggi ang mga paratang laban sa kanya.

-- ADVERTISEMENT --