
Nagulat si Bukidnon Representative Keith Flores sa anunsyo ng House prosecution panel na hindi na ihaharap bilang testigo si dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Flores, naghahanda pa siya kaninang umaga para sa mga testigo nang ipahayag ni lead prosecutor Gerville Luistro ang naturang desisyon.
Dapat sanang tumestigo si Trillanes kaugnay ng impeachment article tungkol sa umano’y unexplained wealth ni Duterte.
Samantala, sinabi ni Trillanes na siya mismo ang humiling kay Luistro na alisin ang kanyang pangalan sa listahan ng mga testigo upang hindi na madagdagan ang pressure sa prosecution panel.
Sa pagdinig, humarap naman ang mga opisyal ng Register of Deeds para talakayin ang dalawang property na nagkakahalaga ng P6 milyon at P3 milyon na nakuha umano ng asawa ni Duterte na si Manases Carpio at hindi nakalista sa kanilang joint SALN.










