Inanunsyo ni MMDA Chairman Romando Artes na pansamantalang papayagang dumaan sa EDSA ang mga provincial bus sa Lunes, May 12.
Ayon sa MMDA, layunin ng hakbang na ito na mapabilis at mapagaan ang biyahe ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang lalawigan para bumoto sa halalan.
Paalala naman ng ahensya, ang mga galing sa southern areas ay papayagang makadaaan hanggang EDSA Pasay, habang ang mga mula sa northern areas ay hanggang EDSA Cubao lamang.