Pinatutukan ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) ng Cagayan ang mga kaso ng panggagahasa at dumaraming aksidente sa kalsada sa ginanap na 2nd Quarter Joint Meeting ng PPOC, Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict

Ayon sa datos ng PNP Cagayan, bagama’t bahagyang bumaba, mataas pa rin ang naitalang 34 na kaso ng panggagahasa mula Enero hanggang Hunyo 20, 2024, kumpara sa 57 kaso noong nakaraang taon.

Sa naganap na pagpupulong ay Inirekomenda ng grupo ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga programa katuwang ang mga Local Government Unit (LGU) gamit ang Peace and Order Fund.

Kaugnay nito ay sinabi ni Helen donato ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), na nagsagawa na sila ng assessment sa mga kaso ng rape at Inanunsyo rin ang paglulunsad ng programang “Kwarto ni Neneng” na pinondohan ng DILG Cagayan ng P500,000, upang masolusyunan ang problema ng “share room” sa mga pamilya.

Samantala, naghain ng resolusyon ang grupo para bumuo ng Technical Working Group (TWG) na tututok sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Oplan Visa dahil sa pagdami ng aksidente sa kalsada na umabot na sa 375 kaso mula Enero hanggang Hunyo 2024.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod pa dito ay Inihain din ang province wide curfew upang mabawasan ang aksidenteng dulot ng pagmamaneho habang lasing.

Iprinisinta din ng 502nd Infantry Brigade at Marine Battalion Landing Team ang kanilang accomplishments sa pagtugis sa grupong Karapatang Rehiyon Cagayan Valley (KRCV)