Nagsagawa ng emergency meeting ang Provincial Peace and Order Council (PPOC) ng Kalinga sa pangunguna ni Gobernador James S. Edduba upang talakayin ang naganap na insidente ng pamamaril sa pagitan ng mga tribong Basao at Biga at bumuo ng mga hakbang upang maiwasan ang paglala ng karahasan.

Napagkasunduan ng konseho na magsagawa ng ‘sipat’ (tigilan ng labanan) sa pagitan ng dalawang tribo upang masimulan ang negosasyon at lutasin ang ugat ng kanilang hidwaan

Inatasan ni Gob James Edduba ang Kalinga Bodong Council of Elders na makipag-ugnayan sa Matagoan Bodong Consultative Council ng Tabuk City upang makipag-usap sa mga nakatatanda ng dalawang tribo para itaguyod ang mga paaralan, ospital, at mga institusyon ng pamahalaan bilang mga lugar ng kapayapaan upang maprotektahan ang mga mag-aaral at manggagawa.

Ang dalawang tribo ay nasangkot sa tunggalian matapos ang serye ng mga insidente ng pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ng ilang miyembro mula sa magkabilang panig kng saan Apektado ang mga mag-aaral at manggagawa sa probinsya, partikular sa Tabuk City.

Kaugnay nito ay iniulat ng Tabuk City Schools Division ang mga pinuno ng paaralan ay pinayuhan na magpatupad ng self-learning modules at worksheets para sa 449 estudyanteng apektado sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

-- ADVERTISEMENT --

Sa nasabing pulong, iniulat ni PNP-Kalinga chief PCOL Gilbert Fati-ig na naglagay na sila ng mga checkpoint at nagsasagawa ng mga patrol sa mga barangay na tinitirhan ng mga tribong Biga at Basao upang maiwasan ang anumang karagdagang insidente.

Sinabi rin ni Fati-ig na humingi sila ng karagdagang pwersa mula sa Regional Mobile Force Battalion at maghihiling ng karagdagang tauhan mula sa 103rd Infantry Brigade upang palakasin ang seguridad.