Tuguegarao City- Nanawagan ang Provincial Veterinary Office (PVO) ng Kalinga kaugnay sa proper waste disposal sa mga namamatay na alagang hayop.
Ito ay matapos makakita ang naturang tanggapan ng itinapong patay na hayop sa isang quarry site sa Bulanao, Tabuk City.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Delefredo Laid, Asst. Provincial Veterinarian Officer, ay ipinaaalala nito ang responsableng pag-aalaga sa mga ito upang maiwasan ang paglaganap ng sakit.
Kasama aniya rito ay ang proper waste disposal sa mga patay na alaga upang maiwasan ang contamination kung ito man ay namatay.
Ipinaaalala pa ni Laid na maaaring makipag-ugnayan ang mga may-ari ng babuyan sa kanilang tanggapan upang magabayan ang mga ito sa tamang tamang disposal kasama na ang pag-disinfect sa lugar.
Paalala naman nito sa publiko na huwag kumain ng mga double dead na karne upang makaiwas sa pagkahawa sa mga sakit na taglay ng patay na hayop.