Tuguegarao City- Isusulong ng Northern Luzon Command (NOLCOM) ang kanilang proyektong pagtatanim ng mga gulay upang tumulong sa produksyon ng pagkain at makatulong sa publiko.

Sa panayam kay MAJ Erickson Bulusan, tagapagsalita ng naturang tanggapan, nakipag-ugnayan na sila sa Department of Agriculture upang maisakatuparan ang naturang proyekto.

Layunin aniya ng ganitong proyekto na tumulong upang matugunan ang pangangailangan sa supply ng pagkain lalo na sa higit na mga nangangailangan.

Inihalimbawa pa ng opisyal ang sitwasyong nararanasan ngayon bunsod sa banta ng COVID-19 kung saan ay labis na naaapektuhan ang pangangailangan ng publiko.

Inihayag naman nito na naglaan sila ng isang ektaryang lupa sa kanilang kampo na pagtatamnan ng mga gulay.

-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak pa ni Bulusan ang sapat na kakayanan ng mga sundalo sa pagtatanim ng mga gulay sa tulong na rin ng DA.