Tuguegarao City- Isinusulong ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan ang isang proyekto kaugnay sa patatayo ng solar power plant at mga wind mill sa probinsya.

Sa panayam kay Cagayan Vice Governor Melvin Vargas Jr., pinag-usapan na aniya ito sa session ng mga miyembro ng Sanguniang Panlalawigan kung saan isang Korean Private Company ang nagsumiti ng proposal.

Isa aniya sa kumatawan sa nasabing pag-uusap si Ret. Gen. Hector Aglipay.

Ayon kay Vargas, napakalaking pribilehiyo ng ganitong proyekto sa lalawigan dahil malaki ang maaaring maiambag nito sa turismo, empleyo, supply ng enerhiya at iba pa.

Paliwanag niya, kailangang gumawa ng mga kaukulang resolusyon ang Committee on Environment na ipapasa at aaprubahan sa sanguniang panlunsod para maumpisahan na rin ang pagproceso ng iba pang kakailanganing dokumento.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na kabilang ang bayan ng Lallo, Camaliugan at Aparri sa mga target na pagtatayuan ng mga naturang proyekto.

Tiwala si Vargas na dahil sa potensyal ng lalawigan ay mapapaangat nito ang ekonomiya at kabuhayan ng Cagayan.