CTTO

TUGUEGARAO CITY-Tuloy-tuloy ang implementasyon ng mga proyektong pang-imprastraktura sa bayan ng Rizal, Cagayan sa kabila ng kinakaharap na krisis pangkalusugan dahil sa coronavirus disease (Covid-19).

Sa panayam ng bombo radyo, sinabi ni Vice Mayor Joel Ruma ng Rizal na patuloy ang pagpapatupad sa mga nakalinyang proyekto particular ang pagsasaayos sa mga barangay roads.

Ayon kay Vice Mayor Ruma na kinabibilangan ito ng kasalukuyang road concreting sa Brgy. Sinicking at Battut.

Nagsagawa rin ng survey ang Department of Public Works and Highways (DPWH) 2nd district engineering office para sa nakatakdang itatayong tulay sa Matalag river sa bahagi ng Brgy Gagabutan West na magdudugtong sa Brgy. Cambabangan, Nanauatan at Pasingan kung saan nagkakahalaga ito ng 90 million pesos at nakatakda nang isasagawa ang bidding para sa road concreting sa mga naturang barangay.

Aniya, hindi apektado ng covid-19 ang mga nakalinyang proyekto dahil mayroon namang nakalaang pondo para sa mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyang diin ng opisyal na nangunguna sa mga proyektong itinutulak ng lokal na pamahalaan ng Rizal ang pagpapasemento sa mga kalsada para mas madaling mailabas ng mga magsasaka ang kanilang mga produktong agrikultura.