Nararapat aniyang tanggapin ng mga entity ang Philippine Identification (PhilID) bilang isang sapat na dokumento ng pagkakakilanlan o proof of identity dahil ito ang pangunahing ID ng bawat mamamayang Pilipino.

Itoy kasunod ng ilang reklamo na natanggap ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa rehiyon dos na may mga entity na hindi kumikilala sa national ID dahil walang signature specimen ang may hawak nito.

Ayon kay Girme Bayucan, OIC ng PSA sa lambak Cagayan, dahil sa digital authentication service hindi na kailangan ng naka-print na pirma sa mga ID card dahil kasama na sa PhilID ang unique identity ng isang tao tulad ng iris scan at fingerprints na nagsisilbing digital identification ng isang tao.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Bayucan na mayroong mahigit 3 milyong indibidwal ang nakarehistro sa PhilSys sa Cagayan valley

Dagdag pa ng opisyal na mayroong higit sa dalawang milyong pisikal na ID ang naihatid sa Rehiyon 2 at 1.4 milyong mga electronic at papel na ID na inisyu

-- ADVERTISEMENT --

Sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT), naipakilala na rin ang mga digital ID at naa-access na ng publiko sa pamamagitan ng mga mobile phone at computer na may internet access.