TUGUEGARAO CITY- Pansamantalang isinara ang tanggapan ng Philippine Statistics Authority sa Nueva Vizcaya simula ngayong araw na ito at muling magbubukas sa sa September 15.
Ayon sa abiso ng PSA, pansamantala din na suspindido ang fronline services o issuance ng civil registry documents para sa decontamination ng tanggapan.
Lahat ng mga empleado na naka-close contact ng persoonel ay isasailalim sa swab test at 14-day home quarantine.
Kasabay nito, tiniyak ng PSA Nueva Vizcaya na ginagawa nila ang lahat ng hakbang upang maiwasan ang tranmission ng virus.
-- ADVERTISEMENT --
Umapela din ang tanggapan sa publiko na iwasan ang mamahagi ng unverified reports at fake news para maiwasan na makalikha ng takot at stress sa publiko.