Nagbabayad umano ang mga babae sa Russia ng hanggang 20,000 rubles o $245 para sa maliliit na wigs na kanilang idinidikit sa bahagi ng kanilang singit para sa mas natural na itsura.

Ayon sa Russian media, ang pagiging sikat ng pubic hair wigs ay tumaas nitong mga nakalipas na buwan.

Maraming lalaki at mga babae ang nagpupunta sa specialty online stores at mga tindahan para maghanap ng parang totoong pubic wigs.

Karamihan sa mga gumagamit nito ay gusto raw na magkaroon ng natural look sa nasabing bahagi ng kanilang katawan na inspired ng 1990s, subalit ayaw nilang magpahaba ng kanilang bulbol, dahil sa maraming rason.

Ang ilan ay mas pinipili na permanenteng magpatanggal ng kanilang bulbol, ang iba naman ay ayaw nila na ang pangangati kapag humahaba ang kanilang bulbol, kaya ang wigs ang solusyon sa kanilang problema.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa isang report, ang presyo para sa pubic hair extensions ay mula 600 rubles o $7 hanggang 5,000 rubles o $61.

May ilang babae na pinipili ang gawa sa natural materials, na hanggang 20,000 rubles o $245.

May ginagamit na espesyal na pandikit, na ayon sa mga manufacturer ay ligtas sa balat at sa mucuos membrane.