Hinikayat ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB( Region 2 ang mga mamamayan sa lambak ng Cagayan na makibahagi sa isasagawang public hearing sa May 5, 2022.

Ito ay upang mapakinggan ang hinaing, opinyon at saloobin ng mga stakeholders sa kahilingan na maitaas ang arawang sahod o minimum wage rate sa rehiyon.

Kabilang sa mga nais marinig ng RTWPB ay ang saloobin ng mga mangagagawa, empleyado ng mga pribadong negosyo, business owners, domestic workers o mga kasambahay kasama na ang hanay ng Union ng mga manggagawa.

Magiging focus din ng public hearing ang halaga na kinakailangang maidagdag sa taas sahod ng mga manggagawa.

Batay sa socio-economic profile ng Region 2, ang minimum wage rate sa lambak ng Cagayan para sa Non-Agriculture Retail and Service, ay P370.00. habang P345.00 naman sa Agriculture, at sa Retail and Services na may hanggang sampung empleyado ay nasa P340 alinsunod sa wage order na inilabas pa noong March 2020.

-- ADVERTISEMENT --

Sa tala ng ahensya, mula sa 2021 statistics, ang rehiyon dos ay mayroong 1.6 M na labor force na katumbas ng 3.5% sa kabuuang labor force ng bansa kung saan marami sa mga ito ay nasa Agrikulura at ibat ibang industriya, at serbisyo.