Hinimok ng Department of Interior and Local Government ang publiko na tumulong sa road clearing operations upanag matugunan ng mga alkalde ang 60-day deadline para linisin ang mga kalsada.
Binigyang diin ni Provincial Director Rupert Maribbay ng DILG-Cagayan ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng mga mamamayan upang maayos ang daloy ng trapiko lalo na sa mga pangunahing lansangan.
Nagpaalala rin ang opisyal sa mga LGU na magpasa ng ordinansa laban sa ilegal na pagpapatayo ng mga istruktura sa mga public roads.
Matatandaang, kaagad nagpalabas ng kautusan si Gov. Manuel Mamba sa mga alkalde sa lalawigan batay sa direktiba ng Pangulo na linisin ang mga public roads hanggang September 30 ng kasalukuyang taon.
Nabatid na hindi lang Road Clearing Operation ang kanilang tinitignan, maging ang pagbabawal sa illegal construction, paghahanda ng road inventories, displacement strategies at rehabilitasyon sa mga binawing public roads.
—with reports from Bombo Marvin Cangcang