TUGUEGARAO CITY-Pinapayuhan ng Animal Bite Center ng Cagayan ang publiko na mag-ingat ngayong summer lalo na ang mga bata sa kagat ng mga hayop na may rabbies tulad ng mga aso at pusa ngayong tag-init.

Sinabi ni Shamon De Yro, coordinator ng nasabing tanggapan na bakasyon kasi ngayon ng mga bata kaya tiyak na marami ang madalas na lalabas sa kanilang mga bahay.

Pinayuhan din ni De Yro ang mga pet owners na tiyakin na nakatali ang kanilang mga alagang hayop at dapat aniya na ipabakuna ang ito ng anti-rabbies

tinig ni De Yro

Kaugnay nito, sinabi ni De Yro na bumaba ang kaso ng rabbies ngayong taon na nasa 2,000 kumpara sa 3,500 nitong 2018.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit sinabi niya na may dalawang namatay ngayong taon na mula sa Amulung at Tuguegarao City kumpara sa zero casualty nitong nakalipas na taon.

muli ang pahayag ni De Yro