Muling pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang publiko kaugnay ng mahigpit na pagpapatupad ng Plastic Ordinance sa Tuguegarao City

Ang ordinansang ito ay naglalayong ipagbawal ang paggamit ng single-use plastic cellophane, sando bags bilang pambalot, at ang paggamit ng polystyrene o styrofoam bilang lalagyan ng pagkain at inumin sa lungsod.

Ang mga lalabag sa ordinansa ay papatawan ng multa kung saan sa unang paglabag ay Php 500.00, ikalawang Paglabag: Php 1,000.00 at sa Ikatlong Paglabag.ay Php 3,000.00 at anim na buwang suspensyon ng lisensya para sa mga negosyo.

Habang sa ikaapat na paglabag ay Php 5,000.00 at tuluyang pagkakansela ng lisensya ng negosyo.

Layunin ng ordinansa na mabawasan ang epekto ng plastik at styrofoam sa kalikasan, gayundin ang paghikayat sa paggamit ng mga eco-friendly na alternatibo.

-- ADVERTISEMENT --

Hinihikayat ang publiko at mga establisyemento na makipagtulungan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng lungsod.