Pinag-iingat ang publiko sa paggamit ng mga libreng Wi-Fi sa mga malls at iba pang pampublikong lugar dahil sa mga internet hackers.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Sen. Raffy Tulfo, ibinahagi ang isang video na nagpapakita na kahit hindi hinahawakan ng may-ari ang kanyang cellphone ay kusang gumagalaw ang “kursor” dahil na access na ito ng hacker.

Nabuksan pa ng hacker ang camera ng cellphone at nabago ang face ID ng may-ari.

Ayon kay Tulfo, dapat protektahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko na gumagamit ng libreng wi-fi.

Sinabi ng DICT na hindi ligtas ang mga libreng wi-fi dahil lahat ay maaaring mag-connect dito kabilang ang mga hackers.

-- ADVERTISEMENT --