Pinag-iingat ni Senator Panfilo Lacson ang publiko laban sa mga scammers na nanghihingi ng donasyon para sa mga biktima ng katatapos lang na kalamidad sa bansa.

Sa post ni Lacson sa kanyang X account, nabisto niya ang isang nagpapanggap na si dating Congwoman Nene Sato na humihingi ng financial support para sa pagpapatayo ng nasirang bahay ampunan sa Occidental Mindoro.

Nakuha ng senador ang tunay na pagkakakilanlan ng scammer gayundin ang larawan at SSS ID nito.

Nakipag-ugnayan na rin ang mambabatas sa mga awtoridad para madakip at maparusahan ang naturang scammer.

Babala ni Lacson na dapat mas maging maingat ang publiko laban sa mga ganitong panloloko lalo’t ginagamit nila ang kahirapan ng mga taong biktima ng bagyo at pagbaha.

-- ADVERTISEMENT --