Pinagiingat ng toxic watchdog na BAN Toxics ang publiko sa paggamit ng katol, insecticides, at fogging dahil sa banta nito sa kalusugan kasunod ng pagtaas sa kaso ng dengue sa bansa.
Ayon kay Thony Dizon, advocacy and campaign officer ng BAN Toxics, ang katol o mosquito coil at iba pang pamatay lamok ay ginawa mula sa synthetic chemical na kapag nalanghap ng tao ay maaaring magdulot ng hirap sa paghinga, pag-ubo, panginginig, seizure, pagsakit ng tiyan at pagsusuka at iba pa.
Paalala ng BAN Toxics sa publiko na dapat tiyaking rehistrado sa FDA ang mga bibilhing pesticide.
Mainam aniya na magpatupad ng mga narural remedy sa pagkontrol ng lamok sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan tulad ng pag-alis ng tubig mula sa mga kanal at iba pang mga lugar kung saan maaari itong maipon.