Hinikayat ng Task Force Lingkod Cagayan ang publiko na maging alerto lalong lalo na ang mga magulang kung pupunta sa mga ilog na bantayang mabuti ang kanilang mga anak upang maiwasan ang pagkalunod o anumang di-kanais nais na pangyayari sa pagtatapos ng Holy Week.

Paalala ni Jamelee Rose Tanguila, TFLC Team Leader na nakabase sa pagbabantay sa ilog sa bayan ng Peñablanca na dinarayo ng mga tao hanggang ngayong araw ng Linggo ng Pagkabuhay na sumunod sa mga inilatag na alituntunin sa pagpunta sa mga ilog.

Sinabi ni Tanguila na mayroong inilagay na floating plastic bottle at lubid sa bahagi ng ilog sa may Tawi bridge na nagsisilbing hangganan ng pinapayagang lugar ng paliligo at kung lumampas ay nangangahulugang malalim na bahagi na ito ng ilog.

Mariin nitong pinalalahanan laong lalo na ang mga lasing na huwag magpasaway at sumunod sa mga otoridad upang makaiwas sa anumang untoward incidents sa pagtatapos ng Semana Santa.

Katuwang ng TFLC sa pagbabantay ang PNP, BFP at local DRRMO kung saan hanggang alas singko lamang ng hapon maaring manatili sa ilog.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, hanggang ngayong araw ay nanatili sa red alert status ang mga Disaster Risk Reduction Management Operation Center sa lalawigan ng Cagayan.