Hindi umano kailangang mag-panic sa bagong wave ng COVID-19 infection dahil ito ay normal na pagtaas umano ng mga kaso ng sakit.

Sinabi ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na pansamantala lang ang pagdami ng kaso.

Tatlong bagong COVID-19 variants – JN.1.18, KP.2 and KP.3, ang minomonitor ng World Health Organization.

Ang KP.2 and KP.3 at tinawag na “FLiRT” variants.

Unang sinabi ng The Department of Health (DOH) na walang ebidensiya ngayon na nagdudulot ng severe to critical COVID-19 ang KP.2 and KP.3 variants, sa Pilipinas at iba pang bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Gayonman, pinapayuhan pa rin ni Solante ang publiko na maging vigilant at protektahan ang sarili laban sa nasabing virus.

Matatandaan na nakapagtala ang Singapore ng bagong COVID-19 wave dahil sa pagtaas ng mg kaso ng infection sa nakalipas na dalawang linggo kung saan nakapagtala ito ng 25, 900.