Inihayag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na nagtatago pa rin sa Cordillera Administrative Region (CAR) si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.

Noong April 2023, ipinag-utos ng korte sa Muntinlupa na arestohin si Bantag may kaugnayan sa pagkamatay ni Jun Villamor, ang umano’y middleman sa pagpatay kay broadcaster Percy Lapid noong October 2022.

Sinabi ni Remulla na patuloy na hinahanap ng tracker teams si Bantag sa CAR.

Ayon kay Remulla na dapat na maintindihan ng publiko na mahirap ang Cordillera Region dahil mabundok at hindi rin kayang lagyan ng drone dahil sa mga maraming puno.

Gayunman, sinabi niya na gumagawa ng ibang paraan ang mga awtoridad para mahanap ang mga posibleng lugar na pinagtataguan ni Bantag.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na nag-alok ang Department of Justice ng P2 million na pabuya sa makakapagbigay ng impormasyon para sa ikadarakip ni Bantag.