TUGUEGARAO CITY- Pansamantalang hindi pinayagang bumalik sa kanilang bayan Luna, Apayao ang isang overseas Filipino worker na nakitaan ng sintomas ng Coronavirus Disease (covid-19) na naka- quarantine ngayon sa Cagayan valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.
Ayon kay Governor Eleonor Bulut Begtang ng Apayao, nanggaling sa Hongkong ang nasabing OFW na umuwi sa bansa kamakailan lamang.
Aminado ang governador na hindi nabantayan ang pagdating ng OFW pero paglilinaw nito na walang dapat ipangamba ang kanilang mga residente dahil agad naman itong nagtungo sa CVMC para sa karampatang medikasyon.
Sa ngayon, naglatag na ng precautionary measure ang mga local government unit sa Apayao.
Pinayuhan din nito ang mga OFW na magtungo sa kanilang RHU o rural health unit para sa kanilang isasagawang thermal test para hindi na madagdagan pa ang person under investigation (PUI) ng covid-19.