

Tuguegarao City- Inilunsad ng Cagayan Police Provincial Office ang kanilang “Pulis Makatao-Malasakit Center” na magsisilbing one stop shop sa pagbibigay ng serbisyo sa mga miyembro nito.
Sinabi ni PCOL Ariel Quilang, Director ng CPPO, pangunahing layunin nito ay upang suportahan ang ginagawang serbisyo ng hanay ng kapulisan lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Bahagi ng programa ang pagbibigay ng medical services, pabahay, pangkabuhayan, pag-aaral ng mga anak at kanilang mga social concerns kasama na ng kanilang pamilya.
Ayon pa kay Quilang ay maglulunsad din ng ganitong programa sa lahat ng Police Stations dito sa Cagayan.
Ang nasabing programa ay susuportahan din umano ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan para tuloy-tuloy ang magiging tugon sa social concerns ng pulisya.
Nabatid pa na ito ay pangungunahan naman ng Police Community Relations ng PNP.









