Pinaigting ng mga awtoridad ang paghahanap sa isang 25-anyos na police trainee na nawawala habang isinasagawa ang land navigation exercise sa kabundukan ng Philex Mines sa Ampucao, Tuba, Benguet.
Nakatalaga si Patrolman Aaron L. Blas, residente ng San Gregorio, Luna, Apayao sa First Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Benguet.
Huling nakita si Bias ng hapon sa Zigzag Dam 2 sa loob ng Philex Mines noong July 14 habang kasalukuyan ang kanilang practical land navigation activity bilang bahagi ng Basic Internal Security Operations Course (BISOC) ng Philippine National Police (PNP), isang pagsasanay na nakatutok sa banta ng internal security.
Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang pagsasanay ng 6:00 a.m. noong July 14, at nabigo si Bias na bumalik sa kanilang headcount ng 3:00 p.m.
Sinabi ni PMAJ. Edwin Sergio, Public Information Officer ng Benguet Provincial Police na nakita si Bias na bumalik sa dam.
Pinakilos ang mga team mula Regional Office -Cordillera, Regional Special Training Unit – CAR, Benguet PPO, Explosive Ordnance Disposal Unit, RMFB 15, Bureau of Fire Protection – Itogon, Itogon MDRRMO, Philex Mining Corporation, at barangay officials ng Ampucao para sa search and retrieval operation.