Haharapin pa rin ng pulis na nag-viral sa kanyang social media posts na reaksion sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kasong administratibo sa kabila na nagbitiw na siya sa trabaho.

Sinabi National Police Commission (NAPOLCOM) vice chairperson and executive officer Atty. Rafael Vicente Calinisan, nakatakda nang isagawa ang deliberation at disposition ang mga administrative case laban kay Patrolman Francis Fontillas.

Ayon sa Quezon City Police District (QPCD), naging epektibo ang resignation ni Fontillas sa Philippine National Police noong April 10 matapos itong aprubahan.

Sinabi ni Calinisan na binigyan ng due process at pinakinggan at pinag-aralan ang kanyang panig.

Unang nagsampa ang NAPOLCOM ang mga kasong administratibo para sa grave misconduct and conduct unbecoming of a police officer laban kan Fontillas.

-- ADVERTISEMENT --

Naghain naman ng QCPD ng criminal complaint na inciting to sedition laban sa nasabing pulis.