Bumalik na sa kanyang trabaho ang isang pulis na nag-viral online sa kanyang social media posts na nagpahayag ng kanyang galit at saloobin sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni National Police Commission (NAPOLCOM) commissioner Rafael Vicente Calinisan, nangako rin umano si Patrolman Francis Steve Fontillas na titigil na siya sa pagpo-post ng seditious commnents at hate speech sa social media.

Ayon kay Calinisan, pumasok na si Fontillas sa Quezon City Police District kahapon, kung saan umiiyak umano siya at humingi ng paumanhin.

Sinabi ni Calinisan na isinasailalim na sa proseso si Fontillas at nasa restrictice custody.

Ayon pa kay Calinisan, bagamat sinabi ni Fontillas na tutugon siya sa inihaing kasong kriminal at administratibo laban sa kanya, kailangan muna niyang maghain ng responsive pleading.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, itutuloy ng NAPOLCOM at Philippine National Police ang pagsasampa ng criminal at administrative case laban kay Fontillas.

Ang administrative cases ay para sa grace misconduct at conduct unbecoming of a police officer na inihain ng NAPOLCOM.

Samantala, sa Facebook post, sinabi ni Fontillas na pinatawad na siya ng PNP at bahagi pa rin siya ng police organization.

Nagpasalamat din siya sa PNP at sa QCPD dahil sa pagpapatawad sa kanya at nakinig at naunawaan umano ang kanyang saloobin at hinaing.