TUGUEGARAO CITY-Hanggang ngayon ay ramdam pa rin umano ng isang pulis na nagpanggap na dalawang buwang buntis ang kirot matapos siyang hilutin ng isang abortionist sa Piat,Cagayan.

Sinabi ni Police Staff Sgt. Grace Cauilan,matindi ang ginawang panghihilot sa kanya ni Remy Domingo kaya hanggang ngayon ay may sakit pa rin siyang nararamdaman sa kanyang tiyan.

Ayon pa sa kanya, natako din siya habang hinihilot siya ni Domingo.

Matatandaan na nagpanggap na buntis si Cauilan sa isinagawang entrapment operation upang mahuli ang nasabing abortionist.