Inaresto sa loob mismo ng custodial facility ng Regional Headquarters Support Unit ng NCRPO si Police Lieutenant Colonel Roderick Tawanna Pascua kahapon.

Ayon kay PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group Director PBgen Bonard Briton, ito’y matapos mag isyu ang warrant of arrest sa kasong murder ang National Capital Judicial Region Branch 271 na walang inirekomendang pyansa.

Noong November 28, 2024, pinatay ni Pascua at pinagputol-putol ang katawan ni Police Executive Master Sgt. Emmanuel De Asis sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

Base sa report, nahuli umano niya ang biktima sa isang “very intimate” na sitwasyon kasama ang kanyang asawa.

Natagpuan ang labi ng biktima noong December 5 sa ancestral home ni Pascua sa Baguio City.

-- ADVERTISEMENT --