Muling pinatunayan ni PSSGT Eva Claire Santiago na tubong Cagayan ang angking galing sa larangan ng taekwando matapos masungkit ang apat na gold medal sa katatapos na World Police and Fire Games sa The Netherlands.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Santiago na residente ng Centro, PeƱablanca at nakatalaga sa Anti Kidnapping Group sa Camp Crame na ito na ang ikatlong beses na nakasali siya sa delegasyon ng Pilipinas sa kaparehong competition at patuloy na nag-uwi ng karangalan sa bansa.

Sa kanyang huling pagsali ay nasungkit ni Santiago ang apat na gintong medalya sa Taekwando kabilang ang isang Gold medal sa Kyorugi Competition, Womens Division matapos talunin ang pambato ng Hongkong at tatlong gintong medalya sa kategorya ng Poomsae Individual Class A 30 plus, Poomsae Pair 30 plus at Poomsae Team 30 plus matapos talunin ang Brazil, China at Hongkong.

Nakatakda namang umuwi sa Pilipinas ang delegasyon ng bansa sa Biyernes, August 5 kung saan magko-courtesy call sila kay pangulong Ferdinand BongBong Marcos Jr at sa bagong PNP-chief na si Lt. General Rodolfo Azurin.

-- ADVERTISEMENT --

Plano rin ni Santiago na mag-courtesy call kay Penablanca Mayor Intoy Taguinod na isa rin sa tumulong sa kanya.

Hinimok naman ni Santiago ang mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak sa ibat ibang larangan ng sports para sa kanilang disiplina sa halip na malulong sa computer

Matatandaang libu-libong atleta na kabilang sa uniformed services, tulad ng mga pulis, bombero at corrections officer mula sa buong mundo ang lumahok sa isang linggong World Police and Fire Games.