Tinanggal na sa serbisyo ang pulis na nag-viral sa kanyang social media posts na bumabatikos sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pahayag, sinabi ng National Police Commission (Napolcom), ang pagtanggal kay Patrolman Francis Steve Fontillas ay unanimous decision ng en banc sa isinagawang summary dismissal proceedings.

Ayon sa Napolcom, napatunayng guilty sa Grave Misconduct, Conduct Unbecoming of a Police Officer at Disloyaty to the Government si Fontillas sa isinagawang En Banc Deliberations.

Bukod sa pagtanggal sa kanya sa serbisyo, pinatawan din siya ng perpetual disqualification from public service.

Bago pa man ang desisyon ng Napolcom, nag-resign na si Fontillas sa pagka-pulis, epektibo noong April 10.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, sinabi ng Napolcom na dahil na sinampahan ng kaso si Fontillas sa komisyon bago ang kanyang resignation, isinailalim na siya sa hurisdiksyon ng Napolcom.

Dahil dito, hindi matatakasan ni Fontillas ang kanyang pananagutan sa pamamagitan ng resignation.