Nasawi ang isang pulis matapos saksakin ng isang lalaki sa Brgy.Ugac Norte, Tuguegarao City.

Kinilala ni Pcapt.Rose Marie Taguiam, information officer ng PNP Tuguegarao ang biktima na si Patrolman Alvin Cabrera, 31 anyos, at residente ng nasabing barangay habang ang hindi pinangalanang suspect ay residente ng Brgy.Pengue Ruyu.

Lumalabas sa imbestigasyon na magkasunod na binabaybay ng pulis at suspect na sakay ng motorsiklo at tricycle batay sa pagkakasunod sa Reyes street, nang biglang bumaba ang pinaghihinalaan sa tricycle at sinaksak ng maraming beses ang biktima.

Base sa salaysay nang nakasaksi, nasagi umano ng biktma ang tricycle ng suspect, ngunit base sa cctv footage ay natumba ang pulis nang saksakin siya ng suspect.

Sinabi ni Taguiam, bago ang insidente, pinapahinto ng suspect ang pulis, subalit nagpatuloy sa pagmamaneho ang biktima at nilampasan ang tricycle ng suspect.

-- ADVERTISEMENT --

Sahil dito, hinabol ng driver ng tricycle ang pulis, hanggang sa nag-uusap ang mga ito habang sila ay nagmamaneho.

Nang paparada na sana ang pulis, ay bigla siyang sinaksak ng apat na beses ng suspect.

Hindi nanlaban ang pulis, sa halip ay tumakbo siya at humingi ng tulong sa isang convenience store at itinakbo siya sa pagamutan.

Subalit, binawian pa rin ng buhay ang nasabing pulis.

Nahuli din ang suspect na sinampahan ng kasong murder.