TUGUEGARAO CITY- Bumuo na ng Special Investigation Task Force ang PNP Cagayan para tumutok sa imbestigasyon at pagtugis sa responsable sa pamamaril-patay sa isang pulis kagabi sa bayan ng Enrile.

Sinabi ni PCOL.Ariel Quilang, director ng Cagayan PNP na mayroon na rin silang persons of interest kaugnay sa pamamaril-patay kay PSSg.Alvin Anog ng Brgy. San Roque at natakatalaga sa Regional Drug Enforcement Unit ng PNP Region 2.

Ayon kay Quilang ang nakikita nilang dahilan ng pagpatay kay Anog ay dahil sa kanyang pagiging dating intelligence operative.

Sinabi ni Quilang na pauwi na si Anog sa kanilang bahay mula sa kanilang old house sakay ng motorsiklo 10:00 kagabi ng pagbabarilin siya.

-- ADVERTISEMENT --

Nahulog pa si Anog sa drainage canal matapos ang pamamaril.

Agad siyang isinugod sa ospital subalit siya ay dead on arrival.