Naging isang hindi inaasahang na bayani ang isang pulis sa Manaoag, Pangasinan nang tulungan niya sa panganganak ang isang ginang sa gas station nang may lalaki na humingi ng tulong.

Nakuha ng CCTV ang footage nang ibaba ni Police Staff Sergeant Niño Pacis ang bintana ng kanyang sasakyan.

Dito ay nakita niya si Mary Janeth Maximo na nagla-labor sa loob ng nakaparada na tricycle.

Agad na tinulungan ni Pacis ang ginang, kung saan humingi siya ng kumot.

Ilang sandali lang ay lumabas na ang sanggol.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Pacis na pinara siya ng awasa ng ginang, at pumunta siya sa gasoline station at inalam ang problema ng lalaki, kung saan nakita niya na manganganak ang kanyang misis.

Ayon kay Pacis, nakita niya na lumabas na ang ulo ng sanggol, kaya pinahiga niya ang babae, at nagpakuha siya ng kumot sa mister para sa pagsalo sa bata dahil sa mabilis umano ang paglabas ng sanggol.

Ligtas na nailuwal ng ginang ang malusog na babaeng sanggol bago pa man sila makarating sa hospital.

Sinabi ni Pacis na ginawa lang niya ang kailangan na gawin sa nasabing pagkakataon para matiyak na ligtas ang ina at ang sanggol.

Maraming netizens ang pumuri kay Pacis at may iba ang nagasabi na siya ay isang bayani.