TUGUEGARAO CITY-Inihahanda na ang kasong paglabag sa Dangerous Drug Act at frustrated murder laban sa isang lalaki na dahilan ng aksidentng pagkakabaril sa isang pulis sa buy bust operation sa Cagayan.

Sinabi ni Police Major Elpidio Zinggapan ng PNP Gonzaga,tinangka umano ng suspek na si Rodolfo Solsoloy na tumakas nang malaman niya na pulis ang kanyang binentahan ng iligal na droga.

Hinabol umano ni Pcpl.Mcnair Villarao ang suspek hanggang sa damuhan kung saan ay natumba sila at aksidenteng pumutok ang baril ng pulis at tinamaan siya sa kanyang tagiliran.

Agad na tinulungan siya ng kanyang kasamang pulis na si Pcpl Mike Sosa kaya nahuli din ang suspek.

Nakuha sa pag-iingat ni Solsoloy ang isang sachet ng umano’y shabu,drug paraphernalia ,calibre .22 at maraming bala.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan ang pulis.

ang tinig ni Zinggapan

Sinabi pa ni Zinggapan na bago ang pagkakahuli kay Solsoloy ay una na nilang nahuli sa buy bust operation si Roel Savella.

Ikinanta umano ni Savella na ang pinagkukunan niya ng shabu ay si Solsoloy na dahilan para ikasa ang isa pang buy bust operation.