Gagawin nang regular ng pulisya ang karagdagang police visibility sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Tuguegarao.

Kasabay ng inilunsad na “Pulisya Eskwela” program ng Tuguegarao Police Station, sinabi ni P/Lt. Col. George Cablarda, hepe ng Tuguegarao City Police na dalawa hanggang tatlong pulis ang itatalaga sa bawat public elementary school sa lungsod na walang security guard.

Ayon kay Cablarda na ito ay tuluy-tuloy na programa ng city police kung saan itatalaga ng tig- dalawang oras sa umaga at hapon ang mga police office personnel upang magbantay sa paaralan.

Layunin nito na paigtingin pa ng pulisya ang pagbabantay sa mga paaralan lalo na sa pagpasok at pag-uwi ng mga mag-aaral at nang hindi malagay sa panganib ang mga estudyante at upang mapalakas ang relasyon ng komunidad sa pulisya.