
Guilty at sinentensiyahan ng life imprisonment ang itinuturong guman sa pagpatay sa dating prime minister ng Japan na si Shinzo Abe.
Ibinaba ni Nara court Judge Shinichi Tanaka ang sentensya laban kay Tetsuya Yamagami, matapos ang halos apat na taon.
Mula nang magsimula ang paglilitis, umamin si Yamagami sa kasong murder at inamin na ginamit niya ang isang homemade gun sa pag-atake.
Sa kanyang mga pahayag sa korte, sinabi ni Yamagami na pinatay niya si Abe dahil umano sa suporta nito sa isang relihiyosong grupo — ang Unification Church — na ayon sa kanya ay naging dahilan ng pagka-bankrupt ng kanyang pamilya.
Ayon sa prosecutors, ang naturang murder ay ‘unprecedented’ sa kanilang post-war history.
Nangyari ang pagpatay noong Hulyo 8, 2022, habang nagsasalita si Shinzo Abe sa isang political campaign event sa lungsod ng Nara.
Si Abe ay kilala bilang isa sa pinakamahabang nagsilbing Punong Ministro ng Japan sa modernong kasaysayan.
Dito sa Pilipinas, maka-ilang beses itong nakabisita mula sa mga administrasyong Arroyo, Aquino, at Duterte.
Sa panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte, personal pa itong bumisita sa kaniyang tahanan sa Davao City noong 2017.










