Nagbabala si Russian President Vladimir Putin na kaya nitong armasan ang ibang bansa para magsagawa ng pag-atake sa mga Western targets.
Sinabi ito ni Putin kasabay ng pagbatikos sa pagdala ng mga kanluraning bansa ng long-range weapons sa Ukraine.
Binigyan diin ni Putin na ang nasabing hakbang ay posibleng magbubunsod ng mas seryong problema.
Sinabi ni Putin na kung iniisip ng iba na posibleng mag-supply ng mga armas sa isang war zone para magsagawa ng pag-atake sa kanilang teritoryo at magdudulot ng problema sa kanila, bakit wala din umano silang karapatan na mag-supply ng mga armas sa parehong class regions na magsasagawa din ng pag-atake sa mga sensitive facilities ng mga nasabing bansa.
Gayonman, hinti tinukoy ni Putin kung anong mga bansa ang bibigyan niya ng mga armas.
Una rito, maraming mga bansa kabilang ang Estados Unidos ang nagbigay ng pahinutulot sa Ukraine na magsagawa ng strike sa mga targets sa loob ng Russia.
Nagbabala din si Putin na mali ang palagay ng mga kanluraning bansa na hindi kailanman gagamit ang kanilang bansa ng nuclear weapons.
Sinabi niya na mayroon silang nuclear doctrine at nakasaad umano dito na kung may banta sa kanilang sobereniya at territorial integrity, gagamitin nila ang lahat ng paraan upang ipagtanggol ang kanilang bansa.
Ksabay nito, itinanggi ni Putin ang haka-haka na may plano sila na magsagawa ng pag-atake sa teritoryo ng Nato.