Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga driver at operators ng public utility vehicle (PUV) sa paniningil ng “double fares” o dobleng pasahe sa mga pasahero base sa kanilang pisikal na itsura, laki, o bigat.

Reaksion ito ng LTFRB matapos na makatanggap ng maraming reklamo na sobra ang sinisingil na pasahe sa mga “overweight” o “plus-size” na mga pasahero.

Binigyang-diin ng nasabing ahensiya na ito ay discriminatory, labag sa batas, at hindi makatuwiran.

Ayon sa LTFRB, dapat na maging accessible at may respeto sa lahat ang public transporation.

Idinagdag pa ng LTFRB na ang anomang uri ng pagmanipula sa pasahe base sa personal characteristics, kabilang ang body size, ay isang malinaw na paglabag sa LTFRB regulations at prinsipyo ng karapatang pantao.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng ahensiya na ang sinumang mapapatunayan na gumagawa ng nasabing hakbang ay mapapanagot at mapapatawan ng kaukulang parusa.

Maaaring maharap ang mga violator ng penalties kabilang ang multa, suspension of operations, o babawiin ang kanilang prangkisa, batay sa mga umiiral na batas at LTFRB guidelines.