Nasa pito hanggang labindalawang miyembro na lamang umano ng New Peoples Army (NPA) ang na-momonitor sa ikalawang distrito at ilang bahagi sa unang distrito ng Cagayan.
Ito ay batay umano sa intelligence monitoring ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) Cagayan.
Ayon kay LTCOL Ronnie Naira, commander ng 2nd PMFC-Cagayan na indikasyon ito na humihina na ang pwersa ng NPA at wala na silang kontrol sa mga residente na namulat na sa katotohanang walang maidudulot na maganda sa kanilang buhay ang pagsanib sa NPA.
Resulta din aniya ito ng puspusang kampanya ng pamahalaan kontra terorismo at pagtulong sa surrenderers.
Samantala, tuluy tuloy ang operasyon ng mga kinaukulan upang matuldukan na ang problema sa insurhensiya sa bansa.
-- ADVERTISEMENT --