Nagsagawa ng inspeksyon sa mga itinalagang puwesto ng mga magtitinda ng paputok sa Delpol Street, Centro 11 Tuguegarao City ang PNP, Bureau of Fire Protection (BFP), Traffic Management Group, at Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng pamahalaang panlungsod ngayong araw.

Ang naturang inspeksyon ay bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng Bagong Taon na layong tiyakin ang kaligtasan ng publiko at ang pagsunod ng mga magtitinda sa umiiral na City Ordinance.

Ayon sa City Information Office, sinuri sa aktibidad ang tamang lokasyon ng mga puwesto at ang pagtalima sa mga regulasyon para maiwasan ang posibleng aksidente at iba pang insidente kaugnay ng paggamit at pagbebenta ng paputok.

Patuloy naman amna pinapaalalahanan ng pamahalaang panlungsod ang publiko na sumunod sa mga patakaran upang masiguro ang ligtas at masayang selebrasyon ng Bagong Taon.