Napilitang i-divert ang isang Qantas flight mula Melbourne patungong Dallas matapos ang insidente ng kaguluhan sa loob ng eroplano, kung saan isang pasahero ang umano’y kumagat sa isang flight attendant.

Ayon sa ulat, lumapag ang eroplano sa Papeete, French Polynesia, matapos mapigilan ang pasaherong nagdulot ng aberya sa biyahe.

Ayon sa Qantas, agad na inaresto ng kapwa pasahero ang lalaki bago ito hinarap ng mga awtoridad pagdating sa naturang lugar.

Sinabi ng airline na binigyan ng flight ban ang pasahero at iginiit na prayoridad nila ang kaligtasan ng mga pasahero at crew, at may zero tolerance sa anumang uri ng disruptive o mapanganib na asal sa kanilang mga flight.