TUGUEGARAO CITY- Kinumpirma ni Edwin Buendia, detailed quarry chief ng Provincial Natural Resources Environment Office o PNREO ang pansamantalang pagpapatigil ng quarry operation sa barangay Rapuli sa Sta.Ana,Cagayan.
Sinabi ni Buendia na ito ay dahil sa pang-aabuso na ginagawa na ng mga nagsasagawa ng quarry doon.
Ipinaliwanag ni Buendia na pinayagan ng Mines and Geosciences Bureau ang mga mamamayan na magsagawa ng quarry sa designated area partikular sa may sand bar upang maging maayos ang daloy ng tubig.
Subalit,nagreklamo si Jimmy Gamurot, kapitan ng Rapuli na kung saan-saan na kumukuha ng buhangin ang nagqua-quarry sa lugar.
Ayon sa kanya,nakumpirma nila ang sitwasyon sa lugar kung saan ay may mga kumukuha na ng buhangin sa labas ng designated area at may malapit pa sa isang tulay.