Tuguegarao City- Bumaba ang quarry tax collection ng Cagayan sa noong 2019 kung ikukumpara sa mga nagdaang taon.
Sinabi ni Edwin Jesus Buendia, detailed quarry chief, nakakolekta ang kanilang tanggapan ng 62.2 million sa taong 2019 na bumaba ng halos P7m kung ikukumpara noong taong 2018.
Sinabi pa ni Buendia na malaki umano ang naging epekto ng pagtigil ng ilang quarry operators dahil sa naranasang mga pag-ulan at pagbaha sa probinsya.
Samantala, kabilang aniya sa mga quarry site na tumigil ng operasyon ay matatagpuan sa Brgy. Camasi, Peňablanca,Enrile at Chico River.
Inihayag din nito na bagamat bumaba ang quarry tax collection ay nanatili pa rin na ang Cagayan ang may pinakamataas na koleksyon sa rehiyon.
Ang quarry tax collection ang isa sa nakakapag-ambag ng mataas na tax collection ng provincial government.