Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Quezon at ilang bahagi ng Mega Manila kaninang 12:17PM.

Unang naitala sa magnitude 5.1 ang pagyanig, pero di-nowngrade ng PHIVOLCS sa magnitude 4.6.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro nito sa layong 26 kilometro mula sa General Nakar sa Quezon.

Mababaw ang pagyanig sa 10 na kilometro, at tectonic ang origin.

Sa bulletin ng PHIVOLCS, inaasahan ang mga pinsala at mga aftershocks.

-- ADVERTISEMENT --

Naitala ang intensity IV sa Makati, Manila, Marikina, San Pedro sa Laguna, at Tanay sa Rizal.

Intensity III naman sa Navotas, Quezon City, Pasay City, San Juan City, Taguig City, Guiguinto at Malolos sa Bulacan; Palayan sa Nueva Ecija; Mabalacat at Angeles sa Pampaga; at Biñan City sa Laguna.

Intensity II ang naramdaman sa Caloocan, Mandaluyong, Parañaque, Valenzuela; Obando, Bulacan; at sa Cabiao, Nueva Ecija.

Hanggang ngayong hapon, sunud-sunod pa na mahihinang afftershocks ang naitatala ng ahensya mula magnitude 1 hanggang magnitude 3.6.