Inilipat na sa Pasig City Jail si Pastor Apollo Quiboloy kasunod nang pagtatapos ng kanyang medical furlough kahapon.
Sinabi ni Philippine National Police spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, ipinag-utos ng Pasig City Regional Trial Court Branch 159, na dumidinig sa mga kasong human trafficking ang paglipat kay Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ.
Dinala si Quiboloy sa kanyang bagyong quarters mula sa pagkakakulong niya sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.
Sinabi ni Fajardo na pansamantala lamang ang pananatili ni Quiboloy sa Camp Crame, at dahil natapos na ang kanyang medical assessment at nakatugon sila sa mga hinihingi ng korte, wala nang dahilan para manatili pa siya sa Crame.
Ang kasong human trafficking laban kay Quiboloy ay walang piyansa.