Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na pinapayagan ang panawagan ng nakakulong na pastor at senatorial candidate Apollo Quiboloy na manual recount ng mga boto kung maghahain siya ng protest at kung may maipapasang batas para sa recount.

Sinabi ng Comelec Chiarman George Erwin Garcia, kung naproklama na ang isang kandidato sa pagka-senador, nakapanumpa, at umupo sa kanyang pwesto, mawawalan na ng hurisdiksion ang komisyon, kaya ang lahat ng issue na may kaugnayan sa elekyon kabilang ang recount ay kailangan nang ihain sa Senate Electoral Tribunal.

Ipinunto pa ni Garcia na kailangan ang karagdagang batas para sa recount, kabilang ang dagdag na budget para sa manual recount kung bibilangin ang mga aktwal na balota o mga imahe ng balota o ang dalawa.

Sinabi ni Garcia na ang pondo para sa recount ay depende sa bilang ng mga bibilangin kabilang ang deposit per ballot box at honoraria para sa revisors.

Kasabay nito, sinabi ni Garcia na ang panawagan para sa manual recount ay hindi makakapigil sa proklamasyon ng mga nanalo senatorial candidates sa araw ng Sabado.

-- ADVERTISEMENT --