Muling naghain ng not guilty plea si Pastor Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) sa kasong child abuse sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).
Una rito, nagpasok ng not guilty plea si Quiboloy sa kasong qualified human trafficking na inihain sa Pasig RTC.
Humarap si Quiboloy sa korte sa kauna-unahang pagkakataon para sa kanyang arraigment at pre-trial sa Pasig RTC.
Nahaharap si Quiboloy ng nonbailable qualified human trafficking case sa ilalim ng Section 4(a) of Republic Act 9208, as amended.
Isinampa ang kaso sa Pasig City RTC Branch 159 noong buwan ng Abril.
Kabilang sa mga akusado sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada, at Sylvia Cemañes, na nagpasok din ng not gulty plea sa kanilang arraigment.
Samantala, online naman ang pagbabasa ng sakdal kay Quiboloy sa Quezon RTC.
Kasalukuyang nakakulong si Quiboloy sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center in Camp Crame in Quezon City kasunod ng kanyang pagkaka-aresto noong September 8.