Naghain ng certificate of candidacy (COC) si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy kahapon at tatakbo bilang Senador sa 2025 midterm elections.
Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia, ang abogado na si Mark Tolentino ang naghain ng COC ni Quiboloy.
Kasalukuyang nakakulong si Quiboloy sa Camp Crame, Quezon City sa mga kasong qualified human trafficking at chiled at sexual abuse na inihain ng mga dating miyembro ng KOJC.
Matatandaan na ibinahagi ng maraming babae sa poagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang kanilang nakakakilabot na karanasan ng umano’y pang-aabuso mula kay Quiboloy at iba pang lider ng KOJC.