Nagkaharap sa korte nitong Huwebes ang nakakulong na televangelist na si Apollo Quiboloy at ang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Nicolas Torre III, sa kauna-unahang pagkakataon mula nang maaresto si Quiboloy noong 2024.

Sinabi ni Torre na si Quiboloy ang unang bumati sa kanya nang magkita sila sa loob ng korte. Tumugon naman umano si Torre sa pagbati.

Para kay Quiboloy, maayos daw ang naging engkuwentro nila ng dating PNP chief.

Dumalo si Torre sa pagdinig bilang testigo sa kasong qualified human trafficking na isinampa laban kay Quiboloy.

Si Torre ang nanguna sa operasyon na humantong sa pagkakaaresto ng televangelist.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi naman isinapubliko ang mga detalye ng pagdinig. Inaasahang muli pang magtatagpo sina Torre at Quiboloy sa ngayong araw para sa pagpapatuloy ng hearing.

Matatandaang noong Setyembre 2024, naaresto si Quiboloy sa loob ng compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City sa isang operasyong pinamunuan ni Torre, na noo’y direktor ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP.

Sa kasalukuyan, si Torre ay nagsisilbi bilang general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos siyang matanggal sa puwesto bilang PNP chief.